Home Headlines PACC Chairman Greco Belgica, nagsumite na ng COC sa pagka-senador

PACC Chairman Greco Belgica, nagsumite na ng COC sa pagka-senador

607
0
SHARE

Ilang oras bago ang paghahain ng COC ay nagtrabaho pa si PACC Chairman Greco Belgica at siniguro na maipagpapatuloy ng ahensya ang kanilang mga nasimulang anti-corruption platforms.


 

LUNGSOD NG MAYNILA — Nagsumite na ng Certificate of Candidacy (COC) si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica sa pagka-senador sa halalan ng 2022.

Si Belgica ay official candidate ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at guest candidate din ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi faction at ng Reform Party (RP).

Kasama din ni Belgica sa paghahain ng kandidatura ang iba pang cabinet secretary na sina: Presidential chief legal counsel Salvador Panelo, Public works and highways Secretary Mark Villar, Department of Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan II at kasama din sina SAGIP partylist representative Rodante Marcoleta at aktor na si Robin Padilla.

Sa pagsusumite ng mga ito ng kanilang COCs ay sinamahan sila nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go, na kandidato naman bilang bise-presidente ng PDP-Laban, para suportahan ang mga pambato nila sa senado.

Ayon kay Belgica, hindi nagtatapos ang pakikipaglaban niya kontra korapsyon matapos magbitiw bilang chairman ng PACC dahil nais niyang isulong sa senado ang dagdag pangil sa mga batas para mabilis na mapanagot at mapatawan ng mabigat na kaparusahan ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Binigyang diin niya sa publiko na kung papalarin ay sapat na ang isang termino bilang Senador upang isulong ang mga pagbabago sa batas para masawata ang mga manloloko at “korap” sa gobyerno.

“Hindi po natin kailangang tumanda sa senado para lang maisulong ang mga bagong batas na magpapabilis sa proseso ng imbestigasyon at agad na pagpapanagot sa mga may sala at batas na poprotekta sa mga nagsusumbong upang matakot ang mga nagbabalak na magnakaw sa kaban ng bayan,” ani Belgica.

Ipinaliwanag niya na kapag nawala na ang kurapsyon ay mas mapapakinabangan ng publiko ang pondo sa pagkakaroon ng mas maraming proyekto, mas tataas na kalidad ng edukasyon at mawawala ang magugutom ng mga Pilipino.

Matatandaan na taong 2016 nang si Belgica ay tumakbo sa pagka-senador kasama si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at mula noon ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan nito sa gabinete lalo na sa paglaban sa katiwalian.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here