Home Headlines 4Ps worker Top 3 sa social work licensure exam

4Ps worker Top 3 sa social work licensure exam

934
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Umaani ngayon ng papuri at paghanga ang isang manggagawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Prpgram (4Ps) matapos maging Top Rank 3 sa katatapos na Social Work Licensure Examination.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang pangatlong pinakamataas mula sa 1,621 takers,  batay sa resulta na inilabas nitong Sept. 2, 2021, ay si Jasminda Libunao, isang city link mula sa DSWD Provincial Extension Office-Nueva Ecija.

“Napakalaking biyaya po ng ating Panginoon ang mapabilang ako sa top, sa Kanya nanggaling lahat kung ano man ang ipinagkaloob sa akin ngayon,” ani Libunao sa gitna ng mga pagbati ng kanyang mga kasamahan. Ayon sa kanya, hindi naging biro na pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho.

“Sikap, tiyaga, [at] suporta ng pamilya at higit sa lahat pananalig sa Panginoon ang naging katuwang ko upang matapos ang kursong ito,” dagdag niya.

Bilang isang city link, pangunahing trabaho ni Libunao ang paggabay sa mga pamilyang benipisyaryo ng 4Ps. Katulad ng iba pang municipal o city links, siya ay nagsisilbing tulay sa pag-unlad ng bawat miyembro, pamilya, grupo at komunidad.

Sa pahayag ay sinabi ng DSWD Central Luzon na kahanga-hanga ang tagumpay ni Libunao na nagsimula bilang  grievance officer sa ilalim ng 4Ps sa loob ng dalawang taon.

Sa kasalukuyan ay isa siyang city link sa siyudad ng Cabanatuan at siya ay case manager ng 770 active households.

“Ang tagumpay na ito ay isang patunay na dekalidad ang serbisyong naihahatid ng programa sa bawat pamilyang Pilipino,” sabi ng DSWD.

Bukod rsa angking galing, anito, ay ang pagmamalasakit sa mga mamamayan ang nagtutulak sa kanya upang magpatuloy sa serbisyo.

Dagdag naman ni Libunao, ang “makatulong sa mga tao lalong-lalo na sa mga nangangailangan at walang kakayahan ay isa sa kanyang mga motibasyon ko bilang public servant.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here