Home Headlines Supply ng bigas sa Intercity sapat, pagtaas ng presyo walang dahilan

Supply ng bigas sa Intercity sapat, pagtaas ng presyo walang dahilan

2358
0
SHARE

Sa kabila ng lean months ay sapat ang imbak na bigas sa Intercity Bulacan. Contributed photo


 

BOCAUE, Bulacan — Ikinagulat ng mga rice traders sa Intercity sa Bocaue at Balagtas sa Bulacan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa Kamaynilaan.

Ayon sa mga rice traders dito, sapat ang supply at hindi naman tumataas ang presyo ng bigas at palay sa kanilang mga rice mills.

Paliwanag ni Intercity Association administrator Ronnel Garcia, sapat ang supply ng bigas mula sa Intercity at hindi rin gumagalaw ang wholesale price dito.

At dahil supisyente ang imbak na bigas ay wala silang nakikitang dahilan para tumaas ang halaga ng bigas sa Kamaynilaan na kung tutuusin ay mas mababa pa ang presyo nito sa ngayon.

Mayroon aniyang halaga ng kada isang kaban ng bigas na nasa P1,650, P1,750 hanggang P2,000 kaya’t naglalaro lamang sa P36 ang kada kilo ng puhunan dito.

Hinala nilang ang nasa level ng mga rice retailers ang nagtataas ng presyo ng bigas at panawagan niyang sundin ang tamang bentahan nito sa mga pamilihan ngayong panahon ng pandemya.

Ayon naman sa rice trader na si Rakon Lazaro, wala din siyang nakikitang dahilan para gumalaw pataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan gayong sapat nga ang mga bigas sa Intercity kahit lean months na.

Gaya ni Garcia, nasa mga mga rice retailers ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa Kamaynilaan dahil bumabawi ang mga ito sa puhunan dahil mataas na operational cost gaya ng upa sa pwesto, trucking, at manpower.

Samantala, ang Intercity ang pinakamalaking supplier ng bigas sa Bulacan na nagbabagsak sa mga pamilihan sa Kamaynilaan at sa mga karatig lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here