Home Opinion Duterte, tatakbo bilang bise?

Duterte, tatakbo bilang bise?

640
0
SHARE

KUNG totoo itong sabi’y si Duterte
ang ayaw pumayag magbitiw si Duque
bilang sa Department of Health Secretary,
tayo nang gumawa ng tamang diskarte.

Upang wakasan ang pagbingi-bingian
pati ni Eric ng F.D.A., kabayan,
na hinihinalang bilyons ang kupit n’yan
sa pondo ng mga hawak na tanggapan.

Partikular na r’yan itong si Sec Kiko,
na di maikaila ang bitbit na luho
at pagiging ika nga ay bulang gugo
niyan – na animo’y may mina ng ginto.

At higit sa lahat may baul ng yaman
at daig pa niya sina Sy, Lucio Tan,
Villar, Zobel at ibang bilyonario riyan,
na makabili ng relo’ng ubod mahal?

Gaya ng halaga ay trece milyones
at mga ‘luxury cars,’ na pawang higit
mamahalin kaysa Rolls Royce at Mercedez;
at sa alin pa mang pangkatihang gamit.

Kung saan sa likod nitong karangyaan
ni Duque, gabinlid na tulong di man lang
nagkusang buksan ang kanyang mga kamay
upang ang gutom ng marami maibsan.

At kung saan din sa gitna ng matinding
paghihikahos ng marami sa atin,
masikmura n’yan na kotseng mamahalin
ang bilhin – kaysa bagay na makakain.

Kung may puso siya na handang tumulong
sa kapwa, kahitma’t di niya obligasyon
na pakainin ang mga nagugutom,
kundi ng para na rin sa Panginoon!

AT ITONG patuloy pa ring pagbakuna
sa lahat gayong ni hindi pa rin yata
subok na ito ay tunay na mabisa,
ang ayaw hayaan po nating magkusa!

Sanhi na rin nitong nabakunahan man
si Tatay at lahat na ng kasambahay,
sila ay posible pa ring mahawaan
at/o makahawa, kaya walang saysay.

D.O.H. mismo ang di n’yan magarantia
itong kapag tayo ay naturukan na
ng Pfizer, Sputnik at alin mang ‘brand’ pa,
ligtas na tayo sa lintik na pandemya.

Eh, para ano at pagka-kagastusan
ng pamahalaan ang ‘bakulam’ na yan
nang wala rin naman palang kabuluhan,
kundi ng para lang ‘yan pagkakitaan?

May nagsasabi na itong ‘Ivermectin,’
higit na mabisa kaysa r’yan sa alin
pa mang ‘antivirals’ bakit mamahaling
‘Remdesivir’ itong ireseta sa’tin?

Kaya nga’t ano pa sa puntong naturan
ang sa damdamin ng buong sambayanan
itong mamayani kundi aklas-bayan
para sa isang mapayapang kilusan.

At ‘REVGOV’ na itong marapat isulong
sa pangunguna ni Misuari, Sonny Lao
at Olamit – ‘NOW’ ang pangako ni Digong,
binale-wala niya’t pamuling hahabol?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here