Mga tricycle drivers habang naghihintay ng ayuda. Contributed photo
LUNGSOD NG CABANATUAN — Umabot sa 1,000 tricycle driver mula sa lungsod na ito ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa magkatuwang na proyekto ng grupong FPJ Panday Bayanihan at Department of Social Welfare and Development nitong nakaraang lingo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Grace Poe na matagal nang ka-partner ang FPJ Panday Bayanihan sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, bahagi na rin ang ayuda ng Assistance to Individuals in Crisis Condition programa ng DSWD.
Binigyang-diin ni Poe na nariyan pa ein amg banta mg Covid-19 at “patuloy itong nakakaapekto sa ating kabuhayan at maging ating mga tricycle drivers sa ilang bahagi ng Nueva Ecija ay apektado rin ng pandemya.”
Ang pamamahagi ng ayuda ay isinagawa sa office of the senior citizens ground, city social welfare and development office covered area sa city hall compound.
Kasama ang tanggapan ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Ria Vergara sa pamamahagi ng ayuda.
Ang FPJ Panday Bayanihan na ang pangalan ay hango sa sikat na pelikulang “Ang Panday” ng ama ni Sen. Poe na si Fernando Poe Jr. ay itinatag noong 2013 kasunod ng pananalasa ng Bagyong Maring.
Kaalinsabay sa pamamahagi ng ayuda sa lungsod nitong Aug. 20 ang ika-82 taon ng kaarawan ni FPJ.