Home Headlines PACC, ARTA nagsanib-pwersa para sa anti-fixer drive

PACC, ARTA nagsanib-pwersa para sa anti-fixer drive

585
0
SHARE

Si PACC Chief Greco Belgica (kanan) habang kino-kompronta ang pitong LTO enforcers (kaliwa) na inireklamo ng extortion.


 

LUNGSOD NG MAYNILA — Nagsanib pwersa ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sawatahin ang talamak na fixers sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Magkatuwang na ang dalawang ahensya upang mas mabilis na masawata ang mga fixers at ilegal na aktibidad sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan partikular na sa Land Transportation Office (LTO).

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagsagawa ng magkasunod na entrapment operation ang PACC at ARTA laban sa pitong tiwaling enforcers sa LTO main office at dalawang fixers sa LTO Guiguinto, Bulacan na nagresulta sa suspensyon at pagsasampa ng kaso sa mga ito.

Sa ilalim ng sanib-pwersa na ito ay target ng PACC ang mga presidential appointees na posibleng nasa likod ng mga katiwalian habang ang ARTA naman ay sisilipin ang mga ulat ng laganap na fixing at red tape violations.

Ayon kay Secretary Greco Belgica, chairperson ng PACC, ang hakbang na ito ay batay pa rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang kurapsyon hanggang sa huling araw ng kasalukuyang administrasyon.

Sa ilalim naman ng Memorandum of Agreement ( MOA) na nilagdaan ng PACC at ARTA noong Abril nang pagkakaroon ng koordinasyon ng mga ito para tugunan, imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga sangkot sa katiwalian at red tape.

Nito namang buwan ng Mayo ng lumahok din ang ARTA, DOTr, DOH, DENR at ibat-iba pang ahensya ng pamahalaan sa project “Kasangga: Tokhang Kontra Korapsyon” ng PACC.

Sa pinakahuling operasyon ng PACC kontra katiwalian ay napasibak sa pwesto at sinailalim sa preventive suspension ang pitong LTO enforcers na nangingikil sa sampung van drivers na hinuli sa EDSA dahil sa bintang ng colorum operation violation.

Ani Belgica, nasa P2-M ang nawala sa kaban ng bayan kada araw dahil sa halip na pagmultahin ay ibinubulsa ng mga ganitong tiwaling kawani ng LTO ang pera kayat hindi tumino ang pagpapatupad ng regulasyon sa kalsada.

Samantalang naaresto naman ng ARTA at CIDG ang dalawang fixer sa LTO Guiguinto na naniningil sa pagkuha ng student license na nagkakahalaga ng P3,000 hanggang P4,000 bagay na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act no. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here