Home Opinion Sipain na dapat ni PRRD sina Domingo at Duque

Sipain na dapat ni PRRD
sina Domingo at Duque

571
0
SHARE

KUNG ating bibigyan ng matamang pansin
ang kasalukuyang mga nangyayaring
lubhang kakaiba sa nakagisnan nating
mga ‘oldies,’ ito’y huwag balewalain.

Kundi bagkus ating buhayin ang dati
na samahang may pagka-kaisa ang sidhi
ng ating hangaring magkaisa lagi
tungo sa pagsugpo ng gawaing mali.

Gaya ng sa ngayon, na pansarili ang siyang
sa nakararami ang nangingibabaw,
na kahit di tama, sila pa rin ang siyang
pinakikinggan ng nasa Malakanyang.

Tulad na lang nitong sina Kiko’t Eric
ng DOH at ng PDA, ang higit
nasusunod ang kanilang ninanais
ipairal sa pag-sugpo sa pandemic.

Ano’t itong iba’t-ibang bakuna riyan
na di pa ‘tested’ ang bisa binili n’yan
nang di muna nila masusing inalam
kung sa ‘virus’ nga ay ito’y pananggalang.

Suma total,  kahit ni isa ay wala
sa dinami-dami ng ‘brand’ ng bakuna
na dinala rito galing sa ibang bansa,
ang garantisadong ito ay mabisa.

Walang garantya na kapag naturukan
na tayo ng ‘vaccine’ di na mahawaan
ang iba o tayo ang makahawa riyan,
kaya’t anong silbi ng magpaturok n’yan?

Tama’t libre pero buhay ang kapalit
n’yan kung ang bakunang sa atin ginamit
nagkataong kapomula ng sa Intsik,
‘paktay’ tayo tiyak kahit walang sakit.

Isiniwalat na ng ‘Chinese Federal
Government’ ang hinggil sa pinag-ugatan
nitong ‘Plandemya?’ na nag-ugat sa Wuhan,
(China) ang ‘home of the virus’ na pamatay.

Na ‘Chinese Communist Party’ itong utak
ng ‘Covid-19 na ‘the whole world’ ang balak
masakop sa hindi paraang marahas,
kundi sa ‘virus’ na madaling ikalat!

At sumakay naman ang ating gobyerno
sa kesyo madaling makagaling kuno
sa ‘pandemic,’ at kung saan si Domingo
at Duque naman ang kumita ng husto?

Yan ang akusasyon ng nakararami
nating mamamayan, na kung saan pati
ang ating Pangulo ay tila kampante
lang din sa di tamang mga nangyayari.

At di gumawa ng aksyon na kailangan
upang sina Isko at Eric ay kanyang
isako’t sipain sa tungkuling tangan,
at mapalitan ng mas may nalalaman.

Ngayong ang dalawa ay tutulog-tulog
at walang ginawa kundi mangurakot
sa PhilHealth at PDA, base sa report
na lantarang sa TV napapanood.

Kung saan parehong di kuwalipikado
itong dalawa sa kinalagyang puesto
sa dahilang sila’y di doktor umano
kundi ibang linya ang ‘expertise’ nito!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here