Home Opinion ‘Magtaas ng Increase,a funny proposed bill’

‘Magtaas ng Increase,
a funny proposed bill’

1189
0
SHARE

KAILAN ma’t  ang taong nagmamarunong lang
at di pa hinog sa tunay na larawan
ng kung anong bagay na pinangahasang
pasukin – marapat na magdahan-dahan.

Walang masama sa ang tao’y mangarap
na marating pero huwag sobra kataas,
pagkat may tendensyang ang tayog ng lipad
ganun din katindi ang biglang pagbagsak.

Hindi simpleng bagay ang lahat na lamang
ay sinasalihan, na gaya ni Pacquiao
para manatiling ini-idolo ‘yan
pagkat ang lahat na may takdang hangganan.

Darating ang araw na makararanas
‘yan ng kahihiyan at grabeng pagyurak
na manggaling sa iba’t-ibang antas
ng lipunang may kani-kanyang panukat.

Na nabihisan lang ang payak na mukha
nang magkapera sa basagan-ng-mukha,
hinangad pati ang bagay na di akma
sa natapos, yan ba’y di kahiya-hiya?

Pasado sa kursong dapat limang taon
yata ang kailangan bagong ganap itong
mabigyan ng ‘certificate of graduation,
kaya di totoong ‘graduated’ si Paquiao.

(Lalo’t  ilang buwan lang din yatang pumasok
si Pacquiao sa alin mang ‘tertiary schools’
kaya nga’t base sa ‘still kept on records,
di nagtapos ‘yan ng kahit anumang ‘course’.

Hindi tayo itong nagsasabing siya
ay may kayabangan kundi ang lahat na
riyan ng sa kanya ay dismayado na,
sa pinag-gagawang di kaaya-aya.

Kung saan pati na ibang kaalyado
n’yan sa ‘political party’ dismayado,
sa naging asal na asa mo’y kung sino
siya kung umasta sa panahong ito.

Tanto kaya niya na itong ‘Magtaas
ng Increase’ na kanyang sinabi at sukat
(sa Senate ba?) ‘During his privilege hours
In which he’s the speaker’ is tama o tumpak?

Tagalog na nga ang winika ay mali
pa rin itong pagka-sabi ng “Bayani
sa Boksing” kung kaya tanggapin at hindi
ni Paquiao bantilaw ang English na iwi.

Yan bang magnanasa na maging Pangulo,
na lalong bumaba ang ‘trust rating’ nito
sa taongbayan na akala siguro,
ay kanya pa rin ang otsenta porsyento?

Kung saan pati na ang PDP Laban,
na dati ay hawak n’yan ang pamunuan,
inetse puwera na siya nang tuluyan
kaya wala na siya ngayong matakbuhan!

Mag-boksing ka na lang huwag mo nang hangarin
na maging Pangulo, pagkat ayaw naming
kami’y pamunuan ng isang magaling
lang sa suntukan at magpatulog sa ring!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here