Home Headlines Modified community pantry sa Balanga Cathedral

Modified community pantry sa Balanga Cathedral

1593
0
SHARE

Catechist Sister Janeth Sereño habang nagpapaliwanag tungkol sa pagpapatakbo ng modified community pantry ng katedral. Kuha ni Ernie Esconde



LUNG
SOD NG BALANGA — Kung may modified enhanced community quarantine o modified general community quarantine na may kinalaman sa status ng coronavirus disease sa isang lugar, mayroon namang modified community pantry ang Diocesan Shrine and Cathedral of St. Joseph dito.

Ayon kay catechist Sister Janeth Sereño ngayong Biyernes, hindi na kailangang pumila tulad sa ibang mga community pantries upang matanggap ang tulong na mga pagkain mula sa Catholic cathedral bilang pag-iingat sa Covid19.

Sa pakikipag-ugnayan ni St. Joseph Cathedral rector Fr. Ernesto De Leon sa Lungsod ng Balanga sa pamumuno ni Mayor Francis Garcia, wala nang pupunta sa cathedral upang kunin ang nakalaang rasyon.

Sa St. Joseph Formation Center sa likod ng katedral nirerepack ang mga donasyon sa bawat supot na may lamang tubig, bigas, gulay, tuyo, noodles, de lata, itlog at iba pa.

“Ang barangay chapel president lamang ang kukuha ng rasyon para sa 50 pamilyang nakalista sa bawat barangay,” sabi ni Sereño.

Ang priority, aniya, ay mga senior citizens na maraming apong kasama sa bahay, may kasamang may sakit gaya ng nagdadialysis at iba pang naggagamot at may malaking pamilya na isa lamang sa bawat pamilya ang tatanggap ng tulong na pagkain.

Ang mga food items ay mula sa mga donasyon na pwedeng in cash or in kind at nirerepack ng mga volunteers.

“Nananawagan ako sa may mabubuting kalooban na kung sino man ang gustong tumulong sa mga lubos na nahihirapan sa panahon ngayon ay handa kaming tumanggap ng inyong tulong in kind o in cash o kung anong makakaluwag sa inyong kalooban,” sabi ni Sereño.

Kung ano lang ang inyong kakayahan ay buong-pusong tinatanggap ng simbahan. Asahan ninyong makakarating ang tulong ninyo sa lubos na nangangailangan, sabi pa ng katekista.

Magpapatuloy, ani Sereño, ang modified community pantry ng katedral habang may patuloy na tumutulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here