Home Headlines 4 money management tips para sa iyong chikiting

4 money management tips para sa iyong chikiting

517
0
SHARE

Isang sikat na Tagalog song ang siguradong tumatak sa mgamagulang noong dekada 80 at ito ay may lyrics na—“Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo.

Tama nga naman. At sino pa ba ang unang teacher na maituturing ng mga bata kundi ang kanilang mga magulang.

Narito ang ilang tips para sa mga magulang na gustong turuan ang kanilang mga anak na pahalagahan ang pera o tinatawag ding money management habang sila ay bata pa.

1. Bago makuha ang isang bagay, dapat itong paghandaan at pag-ipunan

Habang bata pa lang, dapat ng matutunan ng mga mga anakna ang pera ay kinikita at pinaghihirapan. Kapag may mgabagay silang gustong ipabili, halimbawa ay isang laruan, sahalip na sabihing “Anak, wala tayong perang pambili,” gawinmas positibo ang strategy at paaalalahanan ang mga anak naang “needs at wants” ay kailangang pagtrabahuhan at pag-ipunan.

2. Kahit bata ay pwedeng magnegosyo o mag-invest

Usung-uso ngayon ang online selling at kahit mga bata ay na-e-enganyong sumali dito.  May mga nagbebenta ng pagkain, candies, stationaries, damit, accessories, at marami pang iba.  Kasama ang inyong mga anak, maaari ninyong pag-usapanang pagsisimula ng isang maliit na negosyo tulad ng isang online store at magbenta ng mga pre-loved items tulad ng toys at books. Kung investment naman pag-uusapan, simple lang muna ang iyong ituro at mag research online para sadagdag na impormasyon.

3. Kailangan ba o gusto lang  

Importanteng matutunan ng mga bata kung papaano mag-budget. Kailangan nilang malaman at maintindihan na ang mga basic needs tulad ng pagkain, regular na bayarin, school supplies, atbp ay mas importante kaysa mga laruan at ibapang material na bagay.

4. Ipon-ipon para sa sa kinabukasan

Ituro sa mga anak na importante ang pagkakaroon ng ipon para suportahan ang mga kailangan sa future. Upang mas lalo nilang maintindihan, mas makatutulong kung magbibigay ng mga simpleng halimbawa ang mga magulang kung saanmas makaka-relate sila.

BDO Junior Savers, pamana sa kinabukasan

Makakatulong ang BDO sa pagsisimula ng mga bata na mag-ipon sa pamamagitan ng BDO Junior Savers account. Ito ay savings account na dinisenyo para sa mga kabataan, affordable lamang ang initial deposit at may low maintaining balance. Napakadaling mag-open ng BDO Junior Savers account at ito ay available sa lahat ng BDO Branches nationwide.

Kapag mayroon ng BDO Junior Savers account, maaaring tulungan ng mga magulang na palakihin ang kanilang ipongamit ang sariling BDO Digital Banking account. Sa pamamagitan ng Junior Savers Plan, regular na makakapag-deposit ng pera mula sa BDO Savings account papunta sa Junior Savers account ng mga anak.

Bisitahin ang https://bit.ly/BDOJuniorSavers para sa iba pang impormasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here