MARAMI ang di na naniniwala r’yan
na ang pagtuloy na paglobo ng bilang
ng nahawaan at mga namamatay
ng dahil s Covid ay artipisyal lang.
At di ang naturang virus itong rason
kundi ng dahil sa kahit di totoong
sanhi ng Covid ang pagkamatay nitong
iba, yan kaagad ang sabi ng doktor.
Totoo o hindi ang akusasyong yan
ng marami nating mga kababayan,
ito ay marapat bigyan matamang
pansin ng pambansa nating kalusugan.
Nang sa gayon itong mga haka-haka,
na tayo umano ay pinapaniwala
nitong D.O.H. sa mali, maitama
at mabura itong anumang hinala.
Kasi nga ay mayrung mga agam-agam
na kahit umano di Covid ang tunay
na ikinasawi ng ibang namatay,
pinapaniwala n’yan ang taongbayan.
Gaya ng kahit di Covid itong mitsa
nang ikinasawi r’yan nitong iba
na naospital ay libre ang lahat na
ng dapat bayaran – sa proposal nila:
Na kahit di Covid-19 ang ‘cause of death’
(ni Rizal, Mabini, Del Pilar at Andres,
ang ilalagay sa ‘certificates of death’
ng mga yan) – itong isyu sa D.O.H?
Na diumano ay matinding sabuwatan
itong nagaganap halos araw-araw
sa pagitan nitong naturang tanggapan
at ilang private at government hospitals.
At kung saan nga ay nangyayari itong
aywan kung matatawag na korapsyon
o masahol pa sa gawang pandarambong
itong di makayang supilin ni Digong?
At sa akala ba natin mahihinto
itong ika nga ay pagsirit ng tulo
ng tubig sa gripo kung tayo’y uupo
basta at di gawin yan ng nakatayo?
Kahalintulad n’yan ay itong paglobo
ng bilang ng mga namatay na tao
sanhi ng kampante lamang ang gobyerno
sa katauhan ni Duque at Domingo.
Kung saan ang higit pa r’yan na posibleng
pagdami ng sabi’y itong Covid-19
ang ikinasawi ng marami nating
kapwa Pilipino, manipuldo rin.
Ganyan humigit-kumulang ang dahilan
itong patuloy na paglobo, kabayan
ng nadedbol dahil sa puntong naturan,
na kahit binaril – pasok sa Covid yan?!