Home Headlines 400 riders nanumpa bilang HPG force multipliers

400 riders nanumpa bilang HPG force multipliers

1200
0
SHARE

Ipinagkakaloob nina Major Lester Zafraat Capt. Ermesto Esguerra and isang memento kay Lt. Col. Andrew Aguirre. Kuha ni Armand Galang 



LUNGSOD NG
CABANATUAN –  Umabot sa 400 riders mula sa iba’t ibang organisasyon sa lalawigan ng Nueva Ecija ang nanumpa bilang mga bagong force multipliers ng Highway Patrol Group nitong Sabado.

Pinangunahan ni Lt. Col. Andrew Aguirre, acting regional chief ng Highway Patrol Unit 3, ang panunumpa ng mga pamunuan at kasapi ng Full Spectrum of Riders Association of the Philippines.

Sa pangangasiwa ito ng HPG-Nueva Ecija na punamumunuan ni Maj. Lester Zafra, PHPT team leader.

Nakita ng aming butihing director, Brig. Alexander Tagum, na napakaraming riders’ groups sa buomg Pilipinas. Ang pag-organize nating ito ay para makatulong na ma-educate ang ating mga motorista,” ani Aguirre. 

Inaasahan rin nila na makatutulong ang mga grupong ito sa sa intelligence operation, lalo na sa anti-carnapping operation.

“Nakapaloob sa kanilang sinumpaan na ito’y boluntaryo, sila’y makikituwamg sa mga operasyon ng highway patrol group lakong-lalo na kung tayo’y nagkakaroon ng onetime bigtime operation,” dadag ni Aguirre.

Kabilang sa mga nanumpa sina Felipe Garcia III bilang president; Victor Del Rosario III, vice president; Ranie Chuodan, secretary; Marjhun Castro, Michael Puno, Jr., treasurers; Mattdeo Casares, auditor; Felix Elvambuena, PRO at mga representatives na sina Juanito Cabanding, Danilo Raymundo, Andy Villanueva, Von Bismarck Monta at Renee Cariaso.

Tiniyak naman ni Zafra na bukod sa mga seminar na pinagdaanan ng mga FSRAP rider ay ay may sapat silang mekanismo upang hindi maabuso ang pagiging kasapi dito.

“Bilang mga boluntaryo na kasama sa pagpapatupad ng batas ay mangangako sila na mangunguna sa pagsunod sa batas,” sabi ni Zafra.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here