Home Headlines PDRRMO: LGUs sa paligid ng Pinatubo maging alerto

PDRRMO: LGUs sa paligid ng Pinatubo maging alerto

813
0
SHARE

IBA, Zambales – Inabisuhan ng Zambales Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga local government officials sa nasasakupan ng Mt. Pinatubo na maging alerto sakaling tumaas pa ang alert level sa nasabing bulkan.

Ayon kay Rolex Estella, hepe ng PDRRMO, kanya nang ipinatawag ang mga barangay officials ng Botolan na siyang malapit sa paanan ng Bulkan Pinatubo para tiyakin kung may mga nakahandang evacuation center sakaling magpapatuloy ang pagaalburuto ng bulkan.

Dugtong pa ni Estella, nitong Enero 20, 2021nagsimulang magkaroon ng pagyanig sa paligid ng bulkan at nakitaan ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng paglabas ng gas mula sa crater kung kaya itinaas ang Alert Level 1.

Sa pakikipagpulong ni Estella sa mga opisyal ng barangay, may magsabing may nakita silang butas malapit sa Barangay Moraza malapit sa bukan at mainit ang singaw at may kakaibang amoy.

Sinabi naman ni Estella na makikipagugnayan ito sa Phivolcs para tingnan ang sitwasyon sa paligid ng Mt. Pinatubo.

Kabilang sa mga barangay na nasa loob ng 10kilometer danger zone ay ang Belbel, Moraza, Villar, at Guisguis sa bayan ng Botolan. Sa bayan naman ng San Marcelino ay ang Buhawen, Aglao, at Santa Fe.

Matatandaan na may tatlong dekada na ang nakalipas bago muling nagpakita ng abnormalidad ang bulkang Pinatubo.

Samantala, ipinagpaliban na muna ang tourisam activity at pagakyat sa Mt. Pinatubo upang maiwasan ang disgrasya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here