Home Headlines Contacts ng nagpositibong OFW, negatibo sa South African Covid variant

Contacts ng nagpositibong OFW, negatibo sa South African Covid variant

599
0
SHARE

MINALIN, Pampanga — Binawi na ng pamahalaang barangay ng Sta. Catalina, ang lockdown sa lugar kung saan naninirahan ang babaeng OFW mula Dubai na nagpositibo kamakailan sa South African Covid-19 variant.

Ito ay kasunod ng pag-negatibo ng 16 na mga nakasalamuha nito nang isailalim sa swab test.

Ayon kay barangay chair Josephine Omos, lumabas ang resulta ng Covid test nitong Sabado ng gabi kung saan ay negatibo sa coronavirus ang mga closed contacts ng OFW na karamihan ay mga kaanak nito na nakasalamuha sa isang kainan.

Dahil dito ay itinigil na rin nila ang pinapatupad lockdown sa lugar kung saan naroon ang bahay ng nasabing OFW.

Itinigil na rin ang pagsasagawa ng contact tracing sa barangay maging ang home quarantine ng 16 na nagnegatibo.

Habang ang nasabing OFW naman ay nananatili pa rin sa quarantine facility sa New Clark City sa Tarlac.

Bagamat wala naman daw itong sintomas ng sakit ay kailangan pa rin nitong tapusin ang 14-day quarantine period.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here