Home Headlines May sapat na bigas ang bansa – Dar

May sapat na bigas ang bansa – Dar

632
0
SHARE

DINALUPIHAN, Bataan Tiniyak ni Secretary William Dar ng Department of Agriculture nitong Biyernes na may sapat na bigas ang bansa at nananatiling matatag ang presyo nito.

“We have an inventory good for three months. Umpisa na ng harvest, so itong first semester may 9.8 million metric tons ng palay. So, there is no truth na wala tayong sapat na bigas. We have enough, pagdidiin ng kalihim.

Ang regular milled rice umano ay P33 hanggang P37 ang kilo, well-milled rice P38 hanggang P39 at ang magagandang klase ay P40 pataas.

Sinabi ni Dar na bagama’t sobra-sobra ang pagbaba at pagkalugmok ng ekonomiya ng bansa dahil sa coronaviruse disease, African swine fever, at mga bagyo noong nakaraang taon, ang performance ng agrikultura ay flat growth.

“Hindi bumaba, hindi rin tumaas. Compared to manufacturing and services na nasa level ng minus 9, sa agrikulura ay minus 0.2 percent, sabi nito.

“Resilient pa rin ang sektor ng agrikultura kasi ang mga magsasaka, mangingisda, at nagnenegosyo sa agrikultura ay nagsipag, nagtulong-tulong para sa pag-maintain ng kredibilidad at growth ng sector na ito,” dagdag ng kalihim.

Kailangan umanong magtrabaho sila ng husto ngayong taon sapagka’t hindi sapat ang flat gowth lamang at gusto nilang magkaroon ng growth level na 2.5percent.

Ang population growth ng bansa, ani Dar, ay 1.5percent na mataas pa rin. Dapat daw malampasan ito upang magkaroon ng rice surplus na puwedeng i-export sa paligid ng Asia kundi man sa Europa o Estados Unidos.

Binisita ng kalihim ang 10 pilot farms sa Dinalupihan, Bataan na natatamnan ng sari-saring gulay at gumagamit ng drip irrigation at modern precision farming mula sa teknolohiya ng Israel.

Sinamahan siya nina Gov. Albert Garcia, Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, Hermosa Mayor Jophet Inton, dating Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo, iba pang provincial at municipal officials at mga magsasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here