Home Headlines Bataan mangunguna sa crop diversification sa bansa

Bataan mangunguna sa crop diversification sa bansa

784
0
SHARE

Si Agriculture Secretary William Dar sa kanyang pahayag ng pangunguna ng Bataan sa crop diversification sa harap nina Gov. Albert Garcia at Mayor Maria Angela Garcia. Kuha ni Ernie Esconde



DINALUPIHAN, Bataan
Naniniwala si Secretary William Dar ng Department of Agriculture na patungo sa modernization ng agrikultura ang lalawigan ng Bataan at hindi malayong manguna sa bansa sa crop diversification.

“For new disrupted technologies to be properly introduced to now tested, piloted and the learning and experience that we are getting from this important project will really lead and give Bataan the leadership in terms of crop diversification in this country, sabi ng kalihim.

Si Dar ay bumisita nitong Biyernes sa 10 pilot farms na natatamnan ng sari-saring gulay sa Dinalupihan na gamit ang drip irrigation, modern precision farming, at iba pang makabagong teknolohiya mula sa bansang Israel.

Ang mga pilot farms sa ilalim ng sampung magsasaka na mula 0.58 hanggang 1.33 ektarya ay natatamnan ng chili, kamatis, talong, kalabasa, pakwan, sitaw, pechay, letsugas, carrot, at sibuyas.

“With all the resources that we have, this high value agriculture after rice will be an identity of the province of Bataan and we at the Department of Agriculture and the other partners will be happy to be identified with your success story starting today, sabi ni Dar.

Aniya, mayroong budgetary support ang DA sa Bataan sa pamamagitan ng agricultural inputs at livelihood support projects ng halagang aabot sa P943 million.

“That’s one way to say that we are one with you in your vision, to really make it possible for the province of Bataan to lead the way towards modern and agri-industrializing sector,” dagdag ni Dar.

Ayon kay Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, ang proyekto ay isang high value crops diversification at modernization program para sa mga maliliit na clustered farmers sa kanilang bayan sa ilalim ng 1Bataan Agriculture Innovation and Technology Center.

Ang main crops, ani mayor, ay pakwan, chili, talong, at kamatis na pinili base sa initial studies ng market at sa sustainability ng pagtatanim nito sa rehiyon.

Ito raw ay sa ilalim ng public-private partnership ng provincial government ng Bataan at ng Agri-Lever Israel. Nagsimula umano sila sa proyekto noong Oktubre 2020 at inaasahang mag-aani na sa huling linggo ng Pebrero 2021.

Ang commitment ng magsasaka ay ang kanyang lupa samantalang ang gumagastos sa drip irrigation system, binhi at mga inputs ay ang Agri-Lever at provincial government.

“Gusto naming maipakita na sa pamamagitan ng transition farming ng mga magsasaka na mula subsistence farming ay magiging financially sustainable ang kanilang paghahanap-buhay at pagsasaka, sabi ng mayor.

Sana raw ay makapag-replicate sila ng 100 hanggang 300 pilot farms sa Dinalupihan sa tag-araw simula sa Oktubre 2021.

Ipinaliwanag ni Aharon Shmuel ng Agri-Lever ang konsepto ng proyekto na kauna-unahan ng Israel sa bansa.

“Our goal is not to stop at 80, 90, 150. We want this to be a thousand. A thousand farms in Bataan that will produce high value crops using modern technologies and support from your agronomies not ours. That’s the dream, sabi ni Shmuel.

Masayang-masaya naman si Gov. Albert Garcia sa kinalabasan ng proyekto. Pinasalamatan niya sa Secretary Dar sa mga tulong sa lalawigan gayon din ang Land Bank at National Irrigation Administration.

“Ididisrupt natin ang dating sistema na hindi ibig sabihin na guguluhin kung hindi i-improve natin nang sa ganoon ay lalo pang makatulong sa ating mga magsasaka at sa ating bayan, sabi nito.

Bubuuin namin ang kumpletong ecosystem para maging efficient. Ang gusto naming mangyari because of technology, pababain ang banta sa ani ng magsasaka at pataasin ang kita nila,” dagdag ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here