Home Headlines Malawakang oral polio, measles vaccination nagsimula na

Malawakang oral polio, measles vaccination nagsimula na

731
0
SHARE

Si midwife Lolit Poblete habang nagbabakuna. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Nagsimula na sa iba’t ibang bayan sa Bataan ngayong Lunes ang malawakang pagbabakuna sa mga bata laban sa polio at tigdas.

Ayon kay midwife Lolita Poblete ng Samal Rural Health Center, ang bakunang ibinibigay nila ay oral polio at measles rubella vaccines.

Ang pagbabakuna, ani Poblete, ay para sa buong buwan ng Pebrero.

“Ang oral polio vaccine ay ibinibigay sa mga batang 0 to 59 months old samantalang ang measles rubella vaccine naman ay para sa 9 months hanggang 59 months ang gulang,” sabi ni Poblete.

Sa Samal, aniya, ay by sitio ang schedule ng vaccination tulad sa Barangay Sta. Lucia na limang sitio ang naka-schedule nitong Lunes.

Inaasahan ni Poblete na mabakunahan ang lahat ng mga bata dahil maganda naman ang reaksiyon sa vaccination ng mga magulang.

Ang target umanong ibinigay sa kanila sa Sta. Lucia ay mabakunahan ang 256 na bata sa oral polio at 218 bata sa measles rubella.

Mahigpit naman ang safety protocol na ipinatutupad ng mga barangay health workers. Kinukunan ng mga BHW ng body temperature ang mga bata at mga ina at nilalagyan ng alcohol sa kamay.

Sinisiguro rin ng mga barangay tanod na nasusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here