Home Opinion ‘San Simon town mayor and its 5 councilors in hot water...

‘San Simon town mayor and its
5 councilors in hot water anew’

1126
0
SHARE

DI PA MAN tapos ang isinampang kaso
laban kay mayor ng katorse katao
na ‘concern citizens’ ng San Simon mismo,
suspension uli ang bubunuhinh piho.

Ng di lang ‘sixty days’ kundi ng posibleng
pagkasibak pati sa puesto sakaling
mapatunayan na naging talusaling
sina mayor at ang iba pang sangkot din.

(Sanhi na rin nitong liban sa tanggapan
ng ating Sangguniang Panlalawigan,
nakasampa na rin yata sa Ombudsman
ang isa pang kaso na may kabigatan).

Kasama nga itong kasanggang totoo,
ang SB Sec at ang ‘budget’ diumano
na napilitan lang maglabas ng pondo
para sa kung anong klase ng proyekto.

Na nang masiyasat ay peke ang papeles
ng resolusyon na kanilang ginamit,
upang ang naturang pera na- ‘intended’
sa resolusyon ay agarang i-‘release’

Kaya, hayan itong butihing Alkalde
na kung tutuusin, ‘ministerial’ bale
lang papel nito ay damay din pati
ang kanyang opis sa di dapat mangyari.

Aywan lang kung sanhi ‘yan ng sobrangbait
at tiwala rin sa Admin at kwenta ‘chief
of staff’ ang siyang sa di ninanais
niyang kahantungan ang posibleng ‘culprit’?

​Maari din namang ang SB Sec itong
dumidiskarte r’yan para sa councilors
ng kahit anumang klaseng resolusyon
na kinakailangan nilang maisulong.

Di maikakailang sanay sa paggawa
ng mga ‘official format’ din ika nga,
ang SB Sec, kaya siya’ng gumagawa
para sa tungkulin nitong ilan yata.

Kundi ang iasa sa dunong at galing
ni Sec ang kanilang iba pang gawain,
partikular itong walang alam gawin
kundi magbilang ng butiki sa dingding.

Ang kasanayan sa ano pa mang bagay
di nakuhuha sa dahon ng malunggay
na ilalaga at inuming kasabay
ng anuman para tayo ay tumibay.

Kundi sa paggawa ng ikabubuti
ng sambayanan at kapwa tao pati,
at di para lamang sa ating sarili
ang siyang isaisip nga nating parati.

Gaya ng kung tayo itong punongbayan,
bise alkalde o kaya ay konsehal,
bago ang lahat na – mga mamamayan
ang siyang unang dapat natingpaglingkuran.

At mahaling tulad sa pamilya natin,
habang tayong ito ay nasa tungkulin,
na siyang sa kanila ay ating hiniling,
kaya marapat lang ang pangako’y tupdin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here