Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 5 bagong kaso, 1 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 5 bagong kaso, 1 nakarekober

541
0
SHARE

Bataan Gov. Albert Garcia. Kuha ni Ernie Esconde



LU
NGSOD NG BALANGA — Sa huling ulat ng provincial health office, nagtala ang Bataan ng limang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease at isang bagong nakarekober.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia noong Martes ng hapon na umabot na sa sa 3,713 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus at 3,576 naman ang mga gumaling na.

Umakyat sa 57 ang mga aktibong kaso habang nananatili namang 80 ang mga nasawi na.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay 7-anyos na lalaki sa Dinalupihan, 79-anyos at 18-anyos na parehong babae sa Hermosa, 38-anyos na lalaki sa Limay, at 23-anyos na babae mula sa Balanga City.

Ang kaisa-isang bagong nakarekober ay 23-anyos na babae mula sa Mariveles.

Umabot na sa 41,979 ang lahat ng na-test sa virus sa Bataan na ang 38,151 ay nagnegatibo na.

Samantala, batay sa huling ulat ng Online Dashboard, 69.15 porsiyento ng mga kama sa mga pampublikong ospital at 63.46 porsiyento naman sa mga pribadong ospital ang okupado.

Sa mga quarantine facilities sa  lalawigan na may kabuuang kapasidad na 1,447 ay 91 na kama ang okupado na rin, sabi ng governor.

Ang 1Bataan Central Quarantine and Isolation Facility na may 55 kama para sa mga sasailalim sa quarantine at 76 naman para sa isolation ay may 52 na kasalukuyang sumasailam sa quarantine at walo ang nasa isolation.

“Patuloy tayong tumalima sa mga alituntunin ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid -19 sa ating pamayanan at ligtas na makapaghanapbuhay sa ilalim ng new normal,” tagubilin ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here