The Cauguiran letters

    626
    0
    SHARE
    NO MERE sound exercise of crisis management – so lacking in the government bureaucracy, so wanting in corporate governance – but straight from the heart reach-out to redress grievances.

    That was the immediate action of CIAC chief Alexander S. Cauguiran upon learning of the pilferage of the luggage of an OFW at the Clark airport last January.

    Cauguiran wrote a series of open letters to the victim, Jovinal de la Cruz of Bulacan, which are excerpted here.

    The first, an apology to De la Cruz and an appraisal of the initial action taken by CIAC.

    Katatapos lang ng aming fact-fi nding investigation tungkol sa insidente na nangyari. Natukoy na namin ang anim na suspects na empleyado ng ground handling company na responsable sa pagkawala ng laman ng iyong bagahe. Sila ay nasa ilalim ng preventive suspension, at pinabawi ko ang kanilang mga ID at access pass sa airport.

    Ang groundhandler ay ang kumpanyang kinokontrata ng airlines upang magsakay, magbaba, maglinis ng eroplano, at pangalagaan ang mga bagahe ng mga pasahero.

    Nirekomenda ko ang agarang pagsibak sa mga nasabing suspects na hindi muna natin papangalanan habang kami ay magsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga ito. Kakasuhan namin ang mga suspects para hindi na pamarisan ng iba. Pero gagawa tayo ng mga kaukulang hakbang upang masiguradong hindi na maulit ito.

    Ang aking yumaong ama ay isang OFW sa Saudi kung saan siya ay binawian ng buhay kaya batid ko ang damdamin ng isang OFW na nagsasakripisyo para sa pamilya.

    Muli, ako ay mapagpakumbabang humihingi ng paumanhin sa nangyari. Bagamat ikaw ay nabigyan ng compensasyon ng groundhandling company ng halagang P82,824.00 para sa mga nawalang gamitin, naiintindihan ko ang iyong poot dahil sa nangyari.

    Dahil sa mapait na karanasang ito, asahan mong pagiibayuhin namin at maitaas pa ang antas ng aming serbisyo sa mga pasahero. Hindi na namin hahayaang mangyaring muli ang ganitong insidente.

    The second, an update on the actions being taken.

    Mayroon akong magandang balita, kabayan. Sinibak na sa pusisyon ng Miascor ang anim sa kanilang empleyado na umaming nagnakaw sa laman ng iyong mga bagahe…

    Pero ang mas magandang balita—sa loob lamang ng isang araw, maihaharap na sa Korte ang mga suspects na ito dahil nagsampa na ako kanina ng kasong Theft laban sa kanila. Ang Miascor naman ay magsasampa ng hiwalay na kasong Qualified Theft…

    Kabayan, walang puwang ang mga magnanakaw sa ating paliparan, maging ito man ay aking mga staff , mga ground handler, o mga kumpanyang may kontrata sa mga eroplano.

    Ang aming agarang pagtukoy sa mga suspects at ang mabilis na pagsampa ng kaso AY ISANG BABALA para sa lahat ng mga may balak na iligal na gawain sa Clark airport.

    Even as Cauguiran has already done twice, rendering moot and academic the order of President Duterte to reach out to the victim, he still did with a third letter.

    …Kaninang hapon nagtawag ako ng pangkalahatang pagpupulong na dinaluhan ng mga empleyado at opisyales ng ibat ibang sevice providers, security agencies, groundhandling at airline representatives dito sa terminal ng Clark Airport.

    Sinariwa kong muli sa kanila ang nangyari sayo at iyong mga bagahe. Ano ang naging implikasyon nito hindi lamang sa Clark Airport kundi maging sa imahe ng ating bansa…

    Naibalita ko din sa kanila, at marahil nabasa din nila sa peryodiko at malamang napanood din nila sa television ang pagkadismaya at galit ng Pangulong Duterte sa nangyari.

    Kabayan napagkasunduan naming lahat, maging ng mga empleyado at opisyales ng Clark Airport na dumalo sa pagtitipon, na dodoblehin namin ang pagsisikap para muling maibalik ang inyong pagtitiwawala sa mga nagtatrabaho sa Terminal ng Clark Airport at pagsisiguro na hindi na mauulit ang masaklap na pangyayaring iyong naranasan.

    Bilang patunay ng aming pagkakaisa, sumangayon sila na sama samang kaming manumpa sa mga ilang pangungusap na aking isinulat bago ako humarap sa kanila.

    As indeed, before God, country and fellowmen, they pledged:

    KAMI – mga opisyal at kawani ng iba’t ibang tanggapan at kumpanya na nagbibigay serbisyo sa Clark International Airport – ay nagkakaisang nanunumpa sa ating mamamayan, sa ating pamahalaan, at sa Panginoong Diyos na:

    KINIKILALA namin ang aming responsibilidad sa aming pinagsisilbihang publiko, sa aming mga tanggapan; sa pamunuan ng mga namamahala sa paliparan; tungo sa iisang hangarin na aktibong tumulong na mapabuti ang aming serbisyo sa mamamayan. Kami ay nangangako na laging maging magalang at mapagkumbaba sa pakikitungo sa mga pasahero ng Clark International Airport.

    ITATAGUYOD namin ang Clark International Airport bilang isang paliparan na may maayos, mabilis, malinis at matapat na serbisyo sa lahat ng pasaherong lumilipad at lumalapag dito; magkakaisa ang bawat tanggapan sa paliparang ito upang tanghalin ang Clark International Airport bilang isa sa pangunahing paliparan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

    ITINATATWA, itinatakwil at lalabanan namin ang anumang gawaing iligal na nakasisira sa imahen ng paliparan, at sa kapakanan ng pasahero at publikong pinaglilingkuran namin.

    SA DIYOS at sa bayan, kami ay nanunumpa.

    Only at the Clark International Airport. Only Cauguiran, our Man of the Year.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here