Home Headlines NLEx cash lanes oobserbahan ng grupo ng mayors

NLEx cash lanes oobserbahan ng grupo ng mayors

661
0
SHARE

LNakararanas pa rin ng pagpalya sa paggamit ng RFID ang mga motorista aa mga toll gates ng NLEx na inaasistehan na lamang ng backup scanning ng ilang traffic personnel. Kuha ng Punto!



GUIGINTO, Bulacan — Patuloy na oobserbahan ng League of Municipalities
of the Philippines-Bulacan Chapter ang paglalagay ng ilang mga cash lanes sa mga toll plaza ng North Luzon Expressway bilang pansamantalang solusyon sa mabigat na daloy ng mga sasakyan dahil sa ipinatupad na RFID system.

Nauna nang hiniling ng LMPBulacan sa Metro Pacific Tollways Corp. sa isang manifesto na pansamantala ngang ibalik ang mga cash lane nang maibsan ang pagsikip ng daloy ng sasakyan sa mga toll plaza ng NLEx.

Ayon sa pangulo ng LMPBulacan na si Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz, Jr., malaking bagay ang ibinalik na cash lanes at ilang mga personnel na umaasiste sa mga motoristang hindi babasahin ang RFID sticker.

Ngunit patuloy daw nilang babantayan ang implementasyon nito kung magiging epektibo ba at maiibsan na ang mga reklamo ng mga motorista sa mabigat na daloy ng mga sasakyan sa mga toll gates.

Para kay Cruz, dapat na bigyan ng insentibo o discount ng NLEx ang mga motorista para sa RFID stickersnang sa gayon ay maingganya ang mga ito na bumili ng RFID.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here