Home Headlines Sen. Villanueva negatibo sa Covid-19

Sen. Villanueva negatibo sa Covid-19

763
0
SHARE

Senator Joel Villanueva ng dumalo sa groundbreaking ng Joni Villanueva Sports Center. Kuha ni Rommel Ramos


BOCAUE, Bulacan — Nagnegatibo na sa Covid-19 si Sen. Joel Villanueva na isa sa mga nakasalamuha ni Sen. Ronald Dela Rosa at TESDA Sec. Isidro Lepeña na nauna nang mga nagpositibo sa naturang sakit.

Ayon kay Villanueva, isa siya sa mga nakasalamuha ng dalawa kayat agad na nagpa-swab test kagabi sa Joni Villanueva molecular laboratory sa Bocaue.

Kahapon ay lumabas na ang resulta nito at negatibo siya sa naturang sakit at dumalo na sa groundbreaking ng Joni Villanueva Sports Center sa Barangay Biñang 2nd.

Sa panayam kay Villanueva, tuloy aniya ang imbestigasyon ng Senado sa nangyaring pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa Luzon sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Titingnan aniya ng Senado ang dahilan kung bakit hindi nagbawas ng tubig ang mga dam gayong sinasabi na ng PAG-ASA na makararanas ang bansa ng torrential rain dahil kay Ulysses.

Nagtuturuan kasi aniya ang nangangasiwa ng mga dam, NIA, at PAG-ASA sa nangyaring pagpapakawala ng tubig kaya rereviewhin ang mga dam protocols.

Isa din daw sa isasama ni Villanueva sa imbestigasyon ang mga sumalalak na troso sa Bustos Dam isang linggo matapos manalasa ang bagyo at pag-aaralan kung may nagaganap nga na illegal logging sa mga kabundukan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here