Baha ang paligid ng Calumpit District Hospital. Kuha ni Rommel Ramos
CALUMPIT, Bulacan — Pansamantalang isinara kahapon ang Calumpit District Hospital at inilikas ang mga pasyente dahil sa patuloy na nararanasang pagbaha.
Ayon sa ibinigay na impormasyon ng pamunuan ng nasabing ospital, ang mga naka-confined ay inilikas sa mga ospital ng mga karatig bayan.
Inagapan kasi ng pamunuan ng ospital na maiwasan na maapektuhan ang mga pasyente kung patuloy pa na tataas ang tubig baha at mapasok ang loob ng ospital.
Ngunit matapos na isara ito kahapon ay balik operasyon na ngayong araw ang OPD para sa mga nais magpacheck-up.
Samantala, patuloy na naapektuhan ng backflooding ang mga low–lying areas sa 29 na barangay sa Calumpit dahil sa patuloy na pag-apaw ng Pampanga River at Angat River matapos manalasa ang bagyong Ulysses.