Home Headlines 17 barangay sa Jaen binaha

17 barangay sa Jaen binaha

692
0
SHARE

Pinangungunahan ni Mayor Sylvia Austria ang pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Ulysses. Kuha ni Armand M. Galang 



J
AEN, Nueva Ecija- Patuloy ang relief operation ng pamahalaang bayan, sa pangunguna ni Mayor Sylvia Aiatria, sa mahigit 6,000 pamilya na naapektuhan ng baha dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Austria, marami sa kanilang mga kababayan amg nabigla nang rumagasa ang tubig baha hanggang nitong Biyernes samantalang tapos na ang bagyo.

Ayon kay Austria, nagmula ang tubig-baha sa Upper Pampanga River at Peñaranda River.

“Nagsasalubong sila kaya bumabaha dito sa Jaen,” ayon sa alkalde. Nagsimula aniya ang pagtaas ng tubig nitong Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

Nakabubuti naman, dagdag niya, na tumigil ang pag-ulan kaya inaasahan ang paghupa ng baha.

Nasa 17 barangay ang naapektuhan ng pagbaha, batay sa ulat ng municipal disaster risk reduction andmanagement office.

“Ang MDRRMO ay laging handa. Ang mga pangangailangan tulad ng mga food packs, ang mga bangka, ang mga chainsaw, laging nakahanda yan,” ani Austria.

Samantala, ipinagpaliban ng National Grid Corp. of the Philippines ang nakatakdang power interruption Sabado sa ilang bayan ng Nueva Ecija.

Sa isang anunsiyo ay sinabi ng NGCP na hindi na muna itutuloy ang pansamantalang brownout sa mga nasasakupan ng Nueva Ecija Electric Cooperative 1 (NEECO I) at NEECO II-Area 2 na kinabibilangan ng Santa Rosa, San Leonardo at Peñaranda Substation, gayundin sa Edong Cold Storage and Ice Plant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here