LUNGSOD NG OLONGAPO – Ang lalawigan ng Zambales ang may pinakamababang bilang ng mga aktibong kaso ng Covid-19 sa buong Gitnang Luzon.
Bumaba na sa 18 ang aktibong kaso ng coronavirus matapos makapagtala ng 22 bagong gumaling noong Martes. Dalawa naman ang naidagdag sa mga kumpirmadong kaso na ngayion ay may kabuuan nang 594. Ang nakarekober naman ay nasa 570 recovered at ang mga pumanaw ay nasa anim.
Bulacan ang nangunguna sa mga active cases sa kabuuang 1,318. Pumapangalawa ang Pampanga na may 595. At pangatlo ang Nueva Ecija na may 262.
Ang iba pang mga lalawigan at pangunahing lungsod sa rehiyon at ang kanilang mg active cases ay Angeles City, 188; Tarlac, 173; Bataan 166; Olongapo City, 78; at Aurora, 46.
Sa lungsod na ito, umabot na sa kabuuang 827 ang kumpirmadong kaso, matapos makapagtala ng isang nagpositibo noong Martes habang isa naman ang nakarekober.