Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 3 octogenarian kabilang sa 17 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 3 octogenarian kabilang sa 17 bagong kaso

607
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 2,761 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos magtala ng 17 bagong nagpositibo sa virus na ang tatlo ay mga octogenarian, sabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules.

Ang mga octogenarian ay 84-anyos na babae mula sa Abucay at dalawang 80-anyos, isang babae at isang lalaki na parehong mula sa Orani.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay pito mula sa Orani, tig-tatatlo sa Abucay at Balanga City, dalawa sa Dinalupihan at tig-isa sa Samal at Limay.

Tumaas sa 203 ang mga aktibong kaso o mga pasyenteng hindi pa gumagaling samantalang nananatiling 53 ang mga nasawi na sa virus.

Umakyat naman sa 2,505 ang bilang ng mga nakarekober nang magkaroon ng pitong bagong gumaling na pasyente na kinabibilangan ng tig-dadalawa sa Dinalupihan, Mariveles at Pilar, at isa sa Limay.

Kasama sa bagong gumaling ang tatlong senior citizen: isang 76-anyos na babae mula sa Pilar, 70-anyos na babae sa Mariveles, at 73-anyos na lalaki mula sa Limay.

Sa 28,323 na sumailalim sa Covid-19 test, 25,245 ang nagnegatibo na habang 317 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here