LUNGSOD NG OLONGAPO — Pumalo na 728 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng corornavirus disease dito matapos madagdag nitong Huwebes ang walo pang nagpositibo.
Kabuuang 543 naman ang nakarekober sa sakit, at 25 na ang pumanaw.
Ito ang iniulat ni inter-agency task force chairman Mayor Rolen Paulino, Jr.
Ang mga bagong kaso ay dalawa sa Barangay West Bajac-Bajac, dalawa sa Barangay West Tapinac, at tig–isa naman sa Barangay West Bajac-Bajac, East Tapinac, Gordon Heights, at Old Cabalan.
Nitong Huwebes din, 15 ang pasyenteng gumaling.
Sa huling tala ay may 160 active cases, 62 suspect cases, at isang probable case.