Home Headlines Hepe ng Bulacan Capitol security patay sa ambush

Hepe ng Bulacan Capitol security patay sa ambush

778
0
SHARE

Ang bangkay ni Villanueva na nakahandusay sa ibabaw ng tulay. Kuha ni Rommel Ramos


CALUMPIT, Bulacan — Patay ang isang dating pulis na hepe ngayon ng civil security unit ng Provincial Capitol ng Bulacan matapos pagbabarilin ng ridingin-tandem sa ibabaw ng tulay ng Barangay Bagbag dito Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang napatay na si retired Col. Fernando Villanueva, CSU chief ng kapitolyo. Habang nakaligtas naman sa pananambang ang driver nito na si alyas Nonong.

Ayon kay Nonong, lulan sila ng pickup truck galing kapitolyo bandang alas-6 ng gabi nang tambangan sila at pagbabarilin ng ridingintandem sa bungad ng tulayMadilim sa lugar at may kabagalan ang daloy ng trapiko dito nang sila ay pagbabarilin.

Aniya, may narinig silang mga putok ng baril kaya lumabas sila ng sasakyan na sinundan pa ng sunod-sunod na putok.

Napunta siya sa kabilang kalsada ng tulay habang si Villanueva ay tumakbo papalayo papunta sa gitna ng tulay at doon na duguang nakasubsob.

Naniniwala siyang may tama na si Villanueva nang magtatakbo hanggang sa pagbabarilin pa rin at humandusay sa tulay.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaril at nangangalap ng ebidensiya para matukoy ang mga hindi nakilalang suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaslang.

Si Villanueva ay nanungkulan din bilang provincial jail warden bago na-assign bilang head ng security ng kapitolyo.

Naging Bulacan PNP provincial director din siya noong 2010.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here