Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 7 bata kabilang sa 53 bagong gumaling

Covid-19 sa Bataan: 7 bata kabilang sa 53 bagong gumaling

638
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Pitong bata at 46 na iba pa ang bagong gumaling sa coronavirus disease sa Bataan na ang kabuuang bilang ay umabot na sa 1,790, sabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Ang mga bata ay isang 11-anyos na lalaki mula sa Abucay, siyam at anim na taong gulang na babae sa Balanga City, dalawang pitong taong gulang, siyam at walong taong gulang na mga lalaki sa Orion.

Kasama sila sa 53 bagong mga nakarekober na kinabibilangan ng 18 mula sa Orion, 13 sa Mariveles at Limay, lima sa Balanga City, dalawa sa Dinalupihan, at tig-isa sa Pilar at Abucay.

Umabot naman sa 2,321 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus matapos magtala ng 29 bagong kaso na kinabibilangan ng tig-sampu sa Mariveles at Limay, tatlo sa Orion, tig-dalawa sa Abucay at Orani, at tig-isa sa Samal at Balanga City.

Ang mga aktibong kaso ay patuloy na bumababa na 492 na lamang habang nananatiling 38 ang mga pumanaw na.

Mula sa 21,863 na sumailalim sa Covid-19 test, 19,183 ang nagnegatibo na samantalang 359 ang naghihintay pa ng resulta.

Sinabi ng governor na pababa ang mga kaso ng Covid-19 sa Bataan na ngayon ay halos 50 percent ang ibinaba kumpara noong mga nakaraang linggo. Na-break na aniya ang chain ng hawahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here