Home Headlines Covid-19 sa Cabanatuan: 269 kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Cabanatuan: 269 kumpirmadong kaso

1090
0
SHARE

Tumatanggap ng 10 kilong bigas bawat sumailalim sa rapid antibody testing. Larawan mula CITO


CABANATUAN CITY – Umangat sa 63 ang aktibong kaso ng coronavirus disease sa lungsod na ito matapos makapagtala ng dalawang bago ang city health office nitong Martes.

Sa record ng city information and tourism office, ang mga bagong confi rmed Covid-19 cases ay kinabibilangan ng 27-anyos na empleyada ng pribadong kumpanya mula sa Magsaysay Sur at isang 31-anyos na babaeng kawani ng pamahalaan na residente ng Barangay San Roque Sur.

Kapwa nakitaan ng sintomas ang dalawa kung saan ang una ay nawalan ng panlasa at nanakit ang lalamutan samantalang nakaranas naman ng lagnat ang pangalawa, ayon sa ulat ng CITO.

Ang 27-anyos na pasyente ay naka-admit sa isang quarantine facility samantalang sumasailalim naman sa strict home quarantine ang 31-anyos.

Sa datus, umakyat na sa 269 ang naitalang confi rmed Covid-19 cases sa lungsod na ito. Sa nasabing bilang, 63 ang aktibo, 199 ang gumaling na, at pito ang sumakabilang-buhay.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawa ng pamahalaang lungsod na targeted rapid anti-body testing sa mga barangay.

Ang bawat residente ng lungsod nasumailalim sa rapid test ay nakakapag-uuwi ng 10 kilong bigas samantalang karagdagang food packs ang ipinagkakaloob, sa tulong ng city social welfare and development offi ce, sa mga nagpopositibo at kinakailangang mag-quarantine.

Kaagad ring isinasailalim sa swab testing ang mga nagpopositobo sa rapid anti-body test.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here