Home Opinion Pulis at media, magkasangga dapat

Pulis at media,
magkasangga dapat

1003
0
SHARE

KUNG ang otoridad ay naghalughog na
sa residensya r’yan ng kahit sino pa
bago ang ‘search warrant’ ay maipakita
n’yan sa pakay nito ay maling sistema.

At yan masasabing ‘harassment’ sa panig
nitong kwenta suspek n’yan na ninanais
pasukin at tamnan nila ng ‘evidence’
just to show’ na ito’y sa bintang ‘positive’

Gaya ng kung anong gusto palabasin,
na may tinatago itong mga baril,
iligal na droga at ibang bawal din,
ya’y di marapat na ating kunsintihin.

At sa panig naman nitong otoridad,
ang sistemang una ang paghahalungkat,
bago ipakita ang kanilang hawak
na mandamyento ay paglabag sa batas.

Ganyan ang ginawa sa isang peryodista
ng Metro News, at kung saan siya’y basta
pinasok ng pulis, saka isa-isa
nilang pinadapa pati pamilya niya.

At nakatutok sa kanila ang baril
habang aplit itong mga nag-‘raid’ na ‘team’
ng kapulisan na animo’y salarin
itong sa bahay niya ay tangkang huliin.

Kung ‘yan ay nagawa sa tulad ni Orlan
(Mauricio) na isang aktibong Mediaman,
eh di lalo na sa ‘common tao’ lamang
sa panahong ito ay mas grabe pa’ryan?

Di ko sinasabing walang peryodista
na maaring sangkot d’yan sa iligal na
aktibidad, pero libo kontra isa
ang nagka-‘uling’ ang kamay n’yan kumbaga!

Posibleng mayrun ding ‘media practitioner’
na ‘undesirable or police character,’
pero masasabi nating ‘one out of ten,
up to ninety, for sure, are responsible men’.

‘NEGATIVE’ ang resulta ng pagsisiyasat
ng pulis sa puesto ng mamamahayg
na si Mauricio,  kaya tinitiyak
nating sa puntong ‘yan sila’y dimagka-‘brod’.

At posibleng itong si Orlan Maurcio
ay tinik sa hasang ng iba siguro,
kung kaya nga’t imbes magka-‘duet’ ito
sa isang awitin ya’y di magkatuno?

May instansya kasing ang media at pulis,
hiwalay kung minsan ang laman ng  isip
sa ilang bagay na karaniwa’y lihis
sa kalakaran ng ating ‘social justice’.

Ang media, kung anong kanilang makita
ay siyang laman nitong komentaryo nila,
pagbabalita at pahatid sa masa,
nang walang kulang at ang palabok sobra.

Kaya nga’t marahil bunsod ng ganitong
mga pangyayari, imbes magkatulong
silang bantayan ang matinding ‘corruption,’
agawan sila sa “lights, camera, action?”

Panahon na upang ang pulis at media
ay magsanib diwa kundi man ng puersa,
nang maiparating natin sa balana,
ang tunay na diwa ng pagkakaisa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here