Home Headlines GMA Kapuso namahagi ng school supplies, anti-Covid kit

GMA Kapuso namahagi ng school supplies, anti-Covid kit

1707
0
SHARE

Tinanggap ng mga magulang ang ipinamahaging school supplies at anti-Covid kit ng GMA Kapuso Foundation. Kuha ni Ernie Esconde


ABUCAY, Bataan — Namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng school supplies at anti- Covid-19 kit sa mga batang mag-aaral sa walong bayan ng Bataan.

May 2,800 na bata mula sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Pilar, Bagac, at Morong ang mabibiyayaan ng regalong handog ng foundation.

Nagpatuloy ngayong Miyerkules ang pamimigay sa Abucay matapos simulan ang pamamahagi noong Martes sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa. Ipagpapatuloy sa Huwebes ang pamimigay ng mga gamit ng mga bata sa iba pang bayan.

Sa Abucay, ginanap ang pamamahagi sa Tomas Pinpin Memorial Elementary School.

Katulong ng Kapuso Foundation ang mga kasapi ng pulisya at sundalo sa ilalim ng Charlie Company ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakadestino sa Bataan sa pangunguna nina 1st Lt. Oscarito Tobias at 2nd Lt. Mark Anthon Fragio.

Sinabi ni Melfa Tejada ng GMA Kapuso Foundation na bukod sa school bag at iba pang school supplies, tumanggap ang mga bata sa pamamagitan ng kanilang mga magulang ng hygiene kit laban sa coronavirus disease tulad ng sabon, face mask at alcohol.

“Nagpapasalamat po ako at malaking tulong sa amin lalo na ako, tatlo ang anak ko. Malaking halaga sa amin na nabigyan kami ng tulong. Maraming salamat po!”, sabi ni Jean Ramirez ng Abucay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here