Home Headlines Kaso ng Covid-19: 380 sa Zambales, 252 sa ‘Gapo

Kaso ng Covid-19: 380 sa Zambales, 252 sa ‘Gapo

646
0
SHARE

IBA, Zambales Umabot na sa 380 ang nagpositibo sa Covid-19 sa buong lalawigan makarang makapagtala ng anim na kaso noong Sept. 9, kabilang na dito ang dalawang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa bayan ng San Narciso

Batay sa ulat ng provincial health office, ang dalawang kadete ng PMMA ay parehong babae na may edad na 22-anyos na taga Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino at 24-anyos na taga Barangay Pugol, Lamut, Ifugao.

Batay sa kanilang salaysay sila ay bumiyahe ng Caticlan, Aklan at Batangas Port para sa kanilang on-the-job training. Bumalik noong August 27 at kaagad na nagpa-quarantine sa PMMA. Kinuhanan noong Sept. 7 ng specimen at lumabas ang resulta nPhilippine Red Cross Molecular Laboratory na sila ay positibo.

Nagpositibo naman sa Covid-19 ang isang 42-anyos na lalaki na taga Barangay Del Pilar, Castillejos na nagtatrabaho bilang driver sa Subic shipyard at ang 49anyos na lalaki na taga Barangay Sto. Tomas, Subic na natatrabaho naman bilang isang air drilling supervisor.

Isang 40-anyos na lalaki na taga Barangay Natividad, San Narciso, ang nagpositibo rin. Siya ay nagtungo sa Guiguinto, Bulacan, paguwi ng bahay nakaranas na ito ng ubo, lagnat at sipon kung kaya kaagad itong kumonsulta sa  pribadong pagamutan sa Subic Freeport Zone at kinuhanan ng specimen dito nalamang positibo siya sa virus.

Ganun din ang 69-anyos na babae na taga Barangay Mangan-Vaca, Subic na sumasailalim sa dialysis dahil sa sakit sa bato. Nakaramdam ito ng ubo at sipon noong Sept. 7 at kinuhanan ng specimen at lumabas ang positibong resulta noong Sept. 9. Ang pasyente ay naka confined sa Allied Care Experts Medical Center-Baypointe.

Samantala, sa Olongapo City, 10 ang nadagdag sa kaso ng Covid-19 nitong Huwebes na nagtaas sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 252.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here