Home Headlines Mag-ina natagpuang patay

Mag-ina natagpuang patay

969
0
SHARE

HAGONOY, Bulacan — Naagnas na duguang bangkay na nang matagpuan sa kanilang bahay ang mag-inang Tungol sa Barangay Mercado nitong Biyernes.

Halos hindi na makilala ang mag-inang biktima na nakilalang sina Carmelita Tungol, 69, at Mary Grace Tungol, 43, kapwa residente ng nasabing lugar dahil nasa decomposing stage na ang katawan ng mga ito.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Rolando Santos, natuklasan ang mga bangkay dahil sa nakakasulasok na amoy at nang kanilang hinanap ang pinagmumulan sa bahay ng mag-inang Tungol ay dito nakita ang duguang bangkay ng mag-ina na hinihinalang ilang araw nang patay.

Agad silang nagpatawag ng kapulisan na nagsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa kaanak ng mga biktima na si Evie Buenaflor, nitong Linggo nang huli nilang makausap ang kanilang pamangkin si Mary Grace sa pamamagitan ng videocall.

Dagdag pa nito na hindi nila matukoy ang motibo sa pagpatay dahil walang bakas ng forced entry sa bahay at walang nawala sa gamit ng mga biktima.

Ayon naman sa Hagonoy Police, hindi pa matukoy sa ngayon ang motibo at suspek sa krimen at patuloy dinang imbestigasyon kung paano pinatay ang mga biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here