Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso umakyat na sa 585

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso umakyat na sa 585

484
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan na sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Lunes ay umakyat na sa 585 matapos magtala ng panibagong 10.

Walang pinipili ang virus mapa-matanda o mapa-bata man. Sa ulat ng provincial health office Linggo ng gabi, may naapektuhan na 76-anyos at 80-anyosganoon din mga kabataan na ang edad ay naglalaro sa 20-anyos hanggang 26-anyos.

Lumabas sa contact tracing na anim sa 10 sa mga bagong kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19. Ang mga ito ay tatlo sa Dinalupihan, dalawa sa Mariveles, at isa sa Abucay.

Ang iba pa sa mga bagong kumpirmadong kaso ay isang babaeng overseas Filipino worker, lalaking in-patient sa isang ospital sa Bataan, at dalawang iba pa, lahat mula sa Mariveles.

Unti-unting humahabol ang bilang ng mga nakarekober na umabot na sa 361 matapos gumaling ang walo na lima mula sa Mariveles at tig-iisa mula sa Orion, Dinalupihan, at Balanga City.

Isa sa mga gumaling ay isang 6-anyos na lalaki mula sa Mariveles at isang 71-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 209 habang nananatiling 15 ang mga nasawi na. Mula sa 10,227 na sumailalim sa Covid-19 test, 9,469 ang nagnegatibo na at 173 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here