Home Headlines Bustos Dam nagpakawala ng tubig dahil sa pag-ulan

Bustos Dam nagpakawala ng tubig dahil sa pag-ulan

685
0
SHARE

Ang nakabukas na sluice gate ng Bustos Dam nang umakyat sa 17 meters ang water level nito ngayong Lunes. Kuha ni Rommel Ramos



BUSTOS, Bulacan — Nagpakawala ng tubig ngayong araw ang Bustos
Dam bilang preemptive measure matapos na umakyat ang water level dito sa 17 meters kasunod ng nararanasang pag-ulan.

Ayon sa nangangasiwa ng dam na si Franco Claro, nagpakawala sila ng tubig dahil pinananatili lamang nila sa 17 meters ang taas ng tubig dito dahil sa depekto ng mga rubber gates partikular ang Gate Number 5.

Patuloy sila na magpapakawala ng tubig hanggang mapanatili ang water level dito sa 16.90 meters.

Batay sa talaan ng provincial disaster risk reduction and management office, dati ang overflowing level ng Bustos dam ay 17.50 meters ngunit hindi muna ito sinusunod dahil sa kasalukuyang depekto ng mga rubber gates dito batay sa ginawang pag-aaral ng kapitolyo matapos masira ang Gate Number 5 nito.

Gayunpaman, hindi naman inaasahan na makapagdudulot ng pagbaha sa mga residente sa gilid ng Angat River ang nasabing pagpapakawala ng tubig.

Samantala, batay pa rin sa talaan ng PDRRMO, nananatili namang normal ang water level sa Angat Dam na nasa 182.62 meters mula sa 212 meters spilling level habang ang Ipo Dam naman ay nasa 99.26 meters mula sa 101 meters spilling level.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here