Home Headlines P13-M marijuana sa van nasabat sa Clark

P13-M marijuana sa van nasabat sa Clark

610
0
SHARE

Si PRO-3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia at ang nasabat na bulto-bultong bloke ng marijuana. Kuha ni Rommel Ramos



CLARK
FREEPORT — Nasabat ng mga pulis, operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 3 at security ng Clark Development Corp. ang 113 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bahagi ng Mabalacat City nitong Linggo.

Ayon kay Police Regional Office Region 3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ang mga bloke ng marijuana ay tinatayang nagkakahalaga ng P13 million.

Ang mga naarestong suspect ay nakilalang sina Morgano Manalastas, 27, at Ronald Miranda, 42, parehong residente ng Balibago, Angeles City.

Ani Sermonia, pumasok sa Clark South toll gate ng SCTEx ang mga suspect lulan ng kulay puting van at tinanggihan ang inspection ng CDC security.

Dahil dito ay inalarma ng CDC ang kapulisan at nang harangin ang van ay tumambad ang mga bricks ng dried marijuana na mula Cagayan Valley at ikinakalat sa Central Luzon.

Depensa ng mga suspek, napag-utusan lamang sila ngunit hindi malinaw sa mga ito kung kanino nagmula at saan nila dadalin ang marijuana.

Ang mga suspect ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabalacat police.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here