Home Headlines Mariveles isinailalim sa 48-hour lockdown

Mariveles isinailalim sa 48-hour lockdown

729
0
SHARE

Mayor Jocelyn Castañeda



MARIVELES, Bataan
Isinailalim sa 48 oras na modified lockdown ang bayang ito sa hangaring mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease.

Ang lockdown ay magsisimula ng alas-12 ng hatinggabi ng Biyernes hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Linggo na sakop ang lahat ng 18 barangay.

Napagkasunduan ito matapos ang isang emergency meeting na dinaluhan ng mga punong barangay at mga kasapi ng Philippine National Police at municipal health office na pinangunahan ni Mayor Jocelyn Castañeda.

Ang mga authorized persons outside residence lamang ang pahihintulutang lumabas ng bahay at muling paiiralin ang schedule ng pamamalengke ng bawat barangay.

Kailangan umanong ipakita ang quarantine pass ng bawat mamamalengke. Huhulihin ang mga pampasaherong jeep na walang plastic barrier sa mga upuan.

Ipatutupad din ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw. Magkakaroon ng checkpoint sa bawat barangay

Nanawagan si Castañeda, isang abogado, sa kanyang mga kababayan na sumunod sa lahat ng itinakdang safety protocol upang hindi na kumalat ang mapanganib na virus. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here