Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 2 araw na sanggol, 1 sa 3 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 2 araw na sanggol, 1 sa 3 bagong kaso

636
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isang kasisilang na sanggol ang isa sa tatlong pinakabagong biktima ng coronavirus disease na naitala sa Bataan ngayong Martes.

Iniulat ni Gov. Albert Garcia na dahil sa karagdagang tatlo, umakyat sa 315 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa Bataan, kabilang ang 68 aktibong kaso.

Ang sanggol na babae mula sa bayan ng Mariveles ay dalawang araw pa lamang na iniluwal. Ang iba pang kumpirmadong kaso ay isang 37-anyos na babaing overseas Filipino worker mula sa Samal, at 40-anyos na babae na mula rin sa Mariveles.

Ang bilang ng mga nakarekober ay umabot na sa 236 matapos gumaling ang isang 29-anyos na lalaki mula sa Orion, 39-anyos na babae mula sa Balanga City, at isang 61-anyos na lalaki mula sa Orion.

Nananatiling 11 ang bilang ng mga pumanaw na.

Batay sa report ng provincial health office, may 7,388 na ang sumailalim sa Covid19 test sa lalawigan na ang 6,830 ay nagnegatibo na samantalang 243 ang naghihintay ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here