Home Headlines Call center agent, kainuman negatibo sa Covid: Barangay lockdown binawi

Call center agent, kainuman negatibo sa Covid: Barangay lockdown binawi

1450
0
SHARE

Sa kabila ng pagbawi ng lockdown dito ay patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaang barangay na sumunod sa mga health safety protocols para makaiwas sa corona virus. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Binawi na ang lockdown sa Barangay Bagna matapos magnegatibo sa Covid-19 swab test ang isang 26-anyos na call center agent na nagtatrabaho sa Maynila.

Ayon kay barangay chairman Boyet Villena, Covidfree na ulit ang kanilang lugar kasunod magnegatibo ang kauna-unahang kaso ng coronavirus sa barangay.

Dagdag ni Villena, maging ang mga nakasalamuha at nakainuman ng pasyente sa Sitio Talabahan ay nagnegatibo din sa swab test.

Sa panahon na naka-isolate ang pasyente at maging ang mga nakasalamuha nito ay wala naman daw naramdaman na mga sintomas ng sakit.

Sa ngayon ay nakauwi na rin ng kanilang bahay ang call center agent ngunit patuloy pa rin ang monitoring dito ng barangay para masiguro na ligtas na sa sakit ang kanilang lugar 

Matatandaan na July 9 nang isailalim sa lockdown ang buong barangay para maiwasan na kumalat ang sakit.

Samantala batay sa pinakahuling talaan ng Bulacan provincial health office, umakyat na sa 964 ang total confirmed cases sa lalawigan, 613 active cases, 308 ang recoveries, at 43 naman ang namatay sa naturang sakit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here