Home Headlines Covid case sa Subic hindi local transmission

Covid case sa Subic hindi local transmission

829
0
SHARE

SUBIC, Zambales Mariing iginiit ni Mayor Johnathan Khonghun, chairman ng local inter-agency task force na hindi local transmission” ang naitalang kaso ng Covid-19 sa bayang ito kahapon.

Ang pasyente ay isang 47-anyos na lalaki mula sa Barangay Calapandayan na nakaranas ng mga sintomas ng lagnat at panghihina ng katawan. Umuwi siya galing Maynila noong July 13 at sumailalim sa 14-day home quarantine.

Siya ay pinaniniwalaang na-exposed sa isa niyang katrabaho sa Maynila na kumpirmadong positibo sa Covid-19, ilang araw bago lumabas ang kanyang sintomas. Ito ay ipinaalam sa kanya dahilan para siya ay magpa swab test noong July 20. Lumabas ang resulta ng test mula sa Philippine Red Cross-SBMA laboratory nitong Martes at positibo nga siya sa Covid-19.

Nagsagawa na ng contact tracing ang municipal health office at agarang pinapa-isolate ang pasyente at pamilya nito sa tulong ng Philippine National Red Cross at ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here