IBA, Zambales – Kinumpirma nitong Lunes ng provincial health office na may isa na namang panibagong pasyente na nagpositibo sa Covid-19.
Ayon sa ulat ni provincial health officer Dr. Noel Bueno ang pasyente ay isang 27-anyos na lalaki mula sa bayan ng Iba.
Batay sa travel history nito siya ay nagpunta sa Laguna noong July 6 hanngang July 17. Bagama’t hindi nakaranas nh anumang sintomas, siya ay kinuhanan ng specimen upang suriin noong July 13, at sa resulta na inilabas ng The Medical City, Sta Rosa, Laguna noong July 15, ito ay nagpositibo sa Covid-19.
Ang pasyente ay nasa pangangalaga na ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 39 kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa probinsya.