Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 22 nakarekober, 1 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 22 nakarekober, 1 bagong kaso

573
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nadagdagan ng 22 ang bilang ng nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan samantalang isa ang narehistrong bagong kumpirmadong kaso, batay sa ulat ngayong Biyernes ng gabi ni Gov. Albert Garcia.

Dahil sa mga nakarekober, umakyat sa 206 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa mapanganib na sakit.

Tumaas naman sa 273 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 matapos mag-positibo sa virus ang isang 53-anyos na lalaki mula sa bayan ng Dinalupihan.

Ang mga bagong nakarekober ay 10 sa Orani, apat sa Samal, tatlo sa Orion, dalawa sa Morong, at tig-iisa saBalanga City, Pilar, at Mariveles.

Ang mga gumaling ay isang 31-anyos na lalaki, 33-anyos na lalaki, 28-anyos na babae, 8-anyos na babae, 31-anyos na lalaki, 40-anyos na babae, 24-anyos na lalaki, 53-anyos na babae, 2-anyos na babae, at 10-anyos na babae, lahat mula sa Orani.

Sa Samal ang nakarekober ay isang 35-anyos na babae, 7-anyos na lalaki, 9-anyos na lalaki, at 3-anyos na babae; sa Orion – isang 51-anyos na babae, 54-anyos na lalaki, at 49-anyos na lalaki; sa Morong – isang 41-anyos na overseas Filipino worker, at 34-anyos na babae.

Ang iba pang gumaling ay 57-anyos na OFW mula sa Pilar, 22-anyos na babaeng healthworker mula sa Mariveles, at 19-anyos na babae sa Balanga City.

Ang aktibong kaso ay 57 samantalang nananatiling 10 ang pumanaw na.

Ayon sa provincial health office nasa 262 ang naghihintay ng resulta ng test at 5,739 naman ang nagnegatibo mula sa 6,274 na sumailalim sa Covid-19 test.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here