Home Headlines Liquor ban umiiral sa buong Bataan

Liquor ban umiiral sa buong Bataan

1037
0
SHARE

Bataan Gov. Albert Garcia


LUNGSOD NG BALANGA — Nilinaw Lunes ni Gov. Albert Garcia na ang liquor ban na pinagtibay ng sangguniang panlalawigan ay patuloy na umiiral sa buong lalawigan at tanging mismong SP lamang ang pwedeng magdeklara na wala na ito.

Nais kong bigyang-linaw sa lahat na ang Ordinance No. 4 S.2020, An Ordinance Declaring a Liquor Ban in the Province of Bataan, Specifying Prohibited Acts in Relation Thereto, and Imposing the Appropriate Penalties Therefor ay patuloy na umiiral sa buong probinsya,” sabi ng governor.

Ito, aniya, ay patuloy na iiral hangga’t walang resolusyon na tumatapos sa pag-iral nito na tanging sa SP ng Bataan lamang magmumula.

Ayon kay Garcia, ang nasabing ordinansa na pinagtibay ng lahat ng mga SP members sa pangunguna ni Vice Gov. Cris Garcia noong ika-6 ng Mayo taong 2020 ay naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.

Hindi naman, aniya, kaila sa lahat na dumarami pa rin ang bilang ng mga  nagpopositibo sa coronavirus sa kabila ng lahat ng mga ipinatutupad na serbisyo, programa at alituntunin upang mapigilan ito.

Marami pa ring naitatalang mga paglabag sa mga tagubilin gaya ng curfew, stay at home, physical distancing, mass gatherings at iba pa na salungat sa ninanais nating mabawasan ang exposure ng mga tao sa ating di-nakikitang kaaway,” sabi ng governor.

Karamihan umano sa mga paglabag na ito ay may kinalaman sa pag-inom ng alak.

Patuloy kong hinihiling ang inyong mas malawak na pang-unawa, pakikiisa, mas malalim na malasakit sa kapwa at pagiging responsible upang maging mas maayos at epektibo ang implementasyon ng mga umiiral na alituntunin patungo sa tinatawag na new normal hanggang sa sama-sama nating mapagtagumpayan ang labang ito,” pakiusap ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here