Home Headlines Misa sa simbahan binuksan na sa publiko

Misa sa simbahan binuksan na sa publiko

2132
0
SHARE

Saint Catherine of Siena Church sa Samal, Bataan. Kuha ni Ernie Esconde


SAMAL, BataanBinuksan na Linggo ng umaga sa publiko ang selebrasyon ng Banal na Misa sa mga simbahang Katoliko sa Bataan.

Mahigpit na ipinatutupad ang mga safety protocol bago makapasok sa loob ng simbahan tulad sa Saint Catherine of Siena Church sa bayang ito.

Kinukunan ng temperatura sa pamamagitan ng thermal scanner at
nilalagyan ng alcohol ang mga kamay bago makapasok sa simbahan.

Nakapila ang mga magsisimba na may social distancing na dumaraan sa footbath, kinukunan ng temperatura sa pamagitan ng thermal scanner, at nilalagyan ng alcohol sa mga kamay.

Inililista ang mga pangalan, address at contact numberng bawat nagsisimba bago dumiretso sa mga upuan na may marka kung saan dapat umupo.

May mga paalaala na “maaari lamang umupo sa tapat ng square” at “panatilihin ang social distancing”.

Batay sa regulasyon na ipinatutupad sa mga bayang nasa ilalim ng modified general community quarantine tulad ng Bataan, 10 porsiyento lamang ng kapasidad ng mga simbahan ang pinapayagang dumalo sa mga Misa.

Sinabi ng mga tauhan ng simbahan ng Samal na kapag nagsimula na ang Misa ay isasarado ang main gate at wala nang makakalabas at makakapasok habang hindi pa tapos ang Banal na Misa.

Ang simbahan ng Samal na 424 taon na ang pangalawang pinakamatandang simbahan at isa sa pitong pilgrim sites sa Bataan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here