Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 8 nakarekober, 1 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 8 nakarekober, 1 bagong kaso

679
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Batay sa ulat ni Gov. Albert Garcia Miyerkules ng gabi, walo ang nakarekober at isa ang narehistrong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Dahil sa paggaling ng walo at pagkakaroon ng isang bagong kaso, umabot sa 168 ang naka-rekober na at 234 naman ang bilang ng kabuuang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lalawigan, sabi ng governor.

Ang mga bagong nakarekober sa mapanganib na virus ay 41-anyos na lalaki, 76-anyos na lalaki, 19-anyos na lalaki, 33-anyos na lalaki, 1-taonggulang na lalaki at 32-anyos na babae, lahat mula sa Orani.

Ang iba pang nakarekober sa Covid-19 ay isang 38-anyos na babae at 32- anyos na lalaki naman mula sa Balanga City.

Ang bagong kumpirmadong kaso naman ay isang 70-anyos na babae mula sa Mariveles.

Ayon kay Garcia, tumaas sa 56 ang bilang ng aktibong kaso o ang hindi pa gumagaling sa Covid-19 at nananatiling 10 ang pumanaw na.

Mula umano noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan, meron nang 5,060 ang sumailalim sa laboratory test sa lalawigan. Mula sa bilang na ito, 192 ang naghihintay ng resulta samantalang 4,634 naman ang nagnegatibo na.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19, patuloy ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro,” palaging panawagan ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here