Home Headlines Masusing pag-iingat laban Covid-19 sa LTO-Bataan

Masusing pag-iingat laban Covid-19 sa LTO-Bataan

901
0
SHARE

Incoming LTO-Bataan chief Silva Aguas (pangatlo mula kanan) at outgoing chief Mark Lester David (pinakakaliwa). Kuha ni Ernie Esconde


PILAR, Bataan — Masusing pag-iingat ang ginagawa sa tanggapan ng Land Transportation Office sa government center dito bilang panlaban sa coronavirus disease.

Ang mga kumukuha ng driver’s license at maging ang nag-aapply ng vehicle registration ay mahigpit na sumasailalim sa social distancing. May mga bahagi mga upuan na may markang “X” na bawal upuan.

May sabon, alcohol, footbath, at thermal scanner bago makapasok sa loob ng LTO.

May plastic cover na naghihiwalay sa nagpaparehistro at empleyado. Sa loob man ng opisina at waiting area ay ipinatutupad din ang social distancing.

Ito ang na-obserbahan Miyerkules sa paglilipat-tungkulin sa pagitan ni Mark Lester David, outgoing LTO-Bataan chief at bagong hepeng si Silva Aguas.

Si Aguas na 35 taon na sa LTO ay nagsimula bilang cashier.

“Panatilihin nating sundin ang protocol through social distancing, wearing of face mask at pag-washing of the hands or paglalagay ng alcohol sa kamay o gloves para maiwasan ang contamination at ang pagkakahawa-hawa,” panawagan ni Aguas na dating DLRO-Robinson’s chief.

Si David ay malilipat bilang regional operation center chief sa City of San Fernando, Pampanga. Siya ay offi – cer-in-charge, transportation regulation offi cer sa Bataan simula noong July 8, 2019.

Ipinaliwanag ni Allan Pineda, assistant chief ng LTO-Bataan, na may information sheet silang ipinamamahagi sa bawat aplikante.

“Nagpi-fill up sila ng kanilang name, address, contact number at medical information, kasama na din dito kung inuubo sila o may lagnat at sore throat,” sabi ni Pineda.

“Meron ding exposure history na kung saan sila huling nag-travel na community or country na may Covid. Kung nag-travel sila sasagutin nila ng yes or no, when, where and why. Ilalagay din nila kung sino ang nakasalamuha nila together with their contact number, then signature ng aplikante,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Aguas ang ilang pagbabago sa transaksiyon sa LTO office.

“Starting August 3, 2020, lahat ng mag-aapply ng student permit ay mag-undergo ng 15 hours training at ang mag-aapply from student to non-professional o professional, mag-undergo muna sila ng eight hours practical training before they can continue with their application form for driver’s license,” sabi ng bagong LTO-Bataan chief.

May kautusan, aniya, ang kanilang Asec na simula July 1 to August 2, 2020 ay ihihinto muna ang pag-iissue ng student permit at magre-resume ito sa August 3, 2020.

“Stop muna ang pag-iissue ng student permit ng sa gayon ay ma-upgrade ang aming system para sa bagong sistema sa pag-iissue ng driver’s license,” sabi ni Aguas.

“Inaasahan ko na magiging supportive ang mga taga-Bataan upang aming maipagpatuloy ang magandang layunin ng LTO na makapag-provide ng effi cient and eff ective service to the clients,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni David na madaling pakisamahan ang mga taga-Bataan. “Inilapit lang natin sa kanila ang serbisyo, nakikita naman natin na napakaraming nagpupunta dito. Pagdating naman sa pagsunod, mababait at maunawain naman ang mga taga-Bataan,” sabi ng papaalis na LTO chief.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here