IBA, Zambales – Tatlong bagong positibong kaso ng coronavirus disease ang naitala sa lalawigan ngayong araw ng Sabado.
Ito ang kinumpirma ni provincial health officer Dr. Noel Bueno na nagtaas sa kabuuang bilang Covid-19 sa 32 sa buong lalawigan ng Zambales.
Ang ika-30 kaso ay isang 38-anyos na lalaki mula sa bayan ng Castillejos, na walang travel history at hindi nakitaan ng anumang sintomas. Batay sa Rapid Diagnostic Test (RDT) siya ay lgM positive at kaagad na-admit sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) noong July 1, at sumailalim sa “confirmatory test” noong July 2.
Ang ika-31 kaso ay isang 12-anyos na batang babae mula sa San Antonio. Ang pasyente ay may cerebral palsy, at bagama’t walang travel history siya ay nagkaroon ng lagnat at nakaranas ng hirap sa paghinga. Siya ay sumailalim sa RDT at lumalabas sa pagsusuri na positibo ito sa lgG at ito ay na-admit sa PRMMHnoong June 29, at muli itong kinuhanan ng specimenpara sa confirmatory test noong July 2.
Ang ika-32 pasyente, ay isang 40–anyos na babae mula sa San Felipe. Siya ay may karamdaman na bronchial asthma. Batay sa kanyang travel history siya ay nagtungo sa Subic Freeport. Matapos ang ilang araw, siya ay nakaranas ng hirap at na-admit sa PRMMHnoong June 30, at siya kinuhanan ng specimen noong July 2.
Ayon sa mga resulta ng kanilang pagsusuri na inilabas ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital ngayongSabado, sila ay nagpositibo sa Covid-19.