Home Headlines Hoarding, taas ng farm gate price ng baboy inirereklamo

Hoarding, taas ng farm gate price ng baboy inirereklamo

814
0
SHARE

Sina Jerry Castro (kanan) pork dealer at Dr. Mario Samson (kaliwa) market veterinarian, na nananawagan sa DA ng price ceiling sa baboy. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG
ANGELES  Iniinda na ng mga pork dealer dito ang anilay hoarding at patuloy na pagtaas ng farm gate price ng baboy sa bansa dahil sa manipis na supply nito bunsod ng African swine fever.

Dahil dito, gusto ng mga pork dealers na magtakda na ang Department of Agriculture ng price ceiling sa farm gate para mapigilan ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng baboy.

Ayon kina pork dealer Jerry Castro at market veterinarian Dr. Mario Samson ng Pampang Public Market, ngayon ay nasa P190 hanggang P200 por kilo ang farm gate price ng buhay na baboy kayat napapamahal ang presyo nito sa palengke.

Kung sila ang tatanungin, dapat ay maipako na sa P130kada kilo ang presyo ng buhay na baboy dahil iniinda na anila ng mga consumer ang pagtaas ng presyo ng baboy sa pamilihan at hindi na makabili.

Dahil kung dati na ang isang consumer ay bumibili ng 10 kilo ng baboy sa palengke, ngayon ay bumibili na lang ng 5 kilo pababa dahil sa taas ng presyo nito.

Dapat anila na magsagawa na ang DA ang price control dahil bagamat manipis nga ang supply ng baboy sa ngayon ay hindi na makatwiran ang pagtaas ng halaga nito ng P5 hanggang P10 kada tatlong araw.

Nagsimula anila ang presyo sa farm gate ng P60 kada kilo na nasa P200 na ngayon at dumerecho pa ang pagtaas.

Bintang nila na ang iba sa mga farm owners ay nagho-hoard na at naghihintay lang ng mas mataas na presyo ng baboy bago ito ibenta para nga naman mas malaki ang kita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here