Home Headlines 3 magpipinsan na teenagers timbog sa carnapping

3 magpipinsan na teenagers timbog sa carnapping

855
0
SHARE

Ang magpipinsan na teenagers habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya.


CANDABA, Pampanga — Arestado ang tatlong magpipinsan na mga teenagers na mga suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa lugar.

Ang mga suspek ay kinilala ng Candaba police na sina Lorenzo Musngi, 18, ang 17-anyos na alyas ChoiChoiat 16-anyos na alyas Jaja, pawang mga residente ng Barangay San Agustin.

Ayon kay Lt. Col. Santos Mera Jr., hepe ng Candaba police, nasabat sa checkpoint ang magpipinsan matapos makatanggap ang pulisya ng reklamo ng pagnanakaw ng mga ito ng motorsiklo.

Ang kolong-kolong na ginamit at ang motorsiklong tinangay na narekober ng pulisya. Mga kuha ni Rommel Ramos

Aniya, modus ng magpipinsan na mag-chop-chop ng mga ninakaw na motorsiklo para ibenta.

Sa katunayan, matapos maaresto ang mga ito ay dumagsa ang mga complainant laban sa mga ito sa police station na tinukoy ang tatlo na kumuha ng kanilang mga motorsiklo.

Narekober ng pulisya ang motorsiklo ng biktimang si Alvin Yumul at nakumpiska rin ng kapulisan ang kolong-kolong na ginamit ng tatlong magpipinsan sa pagtangay ng motorsiklo.

Humihingi naman ang mga suspek ng kapatawaran sa kanilang mga nabiktima at nangangako na hindi na nila ito uulitin.

Mahaharap ang tatlo sa mga kasong carnapping, hindi pagsusuot ng face mask at violation ng curfew.

Ang tatlo ay nasa Candaba police habang nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa municipal social welfare and development office para sa tamang disposisyon ng dalawang menor de edad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here